Ocular inspection sa kulungan ng Ampatuan hiniling

HINILING ng mga taga-usig sa Department of Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng ocular inspection sa buong pasilidad sa kulungan ng mga akusado at angkan ng Ampatuan.

Ayon kay private prosecutor Harry Roque, hindi umano nakikita kahit kailan man si dating Maguindanao governor Andal Ampatuan, Sr. at anak nitong si Rizaldy Ampatuan simula nang sila ay naaresto at ma-detain kaugnay sa kinasasangkutang massacre.

“Ni anino nila ‘di namin nakikita,” pahayag ni Roque sa labas ng makeshift courtroom sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III na si Andal Sr. at Rizaldy ay dapat nang basahan ng sakdal dahil nag-lapse na umano ng ibinigay na takdang 60-araw para
ipagbaliban nang kanilang arraignment.

“Kaya gusto rin namin silang ma-arraign para makita rin namin sila,” ayon kay Baraan.

Sa anim na Ampatuan na nasasangkot sa multiple murder case, si dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan, Jr. lamang ang binasahan ng sakdal.

Batay sa testimonya ng mga testigo, Si Andal Jr. ang nanguna sa pamamaslang sa 58 katao, kabilang na dito ang mga mamamahayag, noong Nob. 23, 2009 sa Barangay Salman, Ampatuan lalawigan ng
Maguindanao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply