OFW na tumakas sa malupit employer kritikal

NASA kritikal na kundisyon ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) nang tangkain nitong takasan ang kanyang abusadong employer sa Kuwait.

Sa ulat na ipinadala ng Migrante-Middle East sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang biktimang si Luzel Ramos Rebuyon, 35, tubong Davao City, ay nangangailangan ng suporta ng pamahalaan.

Ang biktima ay kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng Mubakar Al-Kabir ospital doon.

Base sa grupo, si Rebuyon ay lubhang napinsala ang katawan ni Rebuyon nang tumalon ito sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang among pinaglilingkuran sa Salmiya, Kuwait.

Tinangkang takasan ni Rebuyon ang kanyang umano’y malupit na amo sa pamamagitan ng pagtatali ng tela na inilawit sa bintana, subalit naputol ang tela at nahulog ang biktima.

Ang insidente ay naipa-abot na ng grupo sa Philippine embassy sa Kuwait. Naghihintay pa umano ito ng supporta mula sa pamahalaan.

Si Rebuyon ay na nag-umpisang magtrabaho sa Kuwait noong December 2010.

Una nang naiulat na may mga OFW na pinagmamalupitan ng kani-kanilang amo sa ibayong dagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply