OFW sa Saudi tepok sa kagat ng ahas

NAMATAY ang isang 51-anyos na overseas Filipino worker makaraang makagat ng ahas sa isang disyerto sa Buraidah sa Kingdom of Saudi Arabia.

Ayon kay Philippine Overseas Labor Office Central Region Welfare Officer Eduardo Mendoza, nasawi si Celso Magora habang ginagamot sa Buraidah Central Hospital noong April 7.

“As it is a police case, we have referred it to the Assistance to the Nationals Section at the Philippine Embassy,” ayon kay Mendoza sa isang report sa Arab News.
Inaasahan namang sasagutin ng employer nitong Reemal Al-Sowahel Est., ang pag-aayos ng kanyang labi.

Nasabi na rin sa pamilya ni Magora sa Tuguegarao City sa northern Luzon ang pagkamatay nito.

Nabatid kay Engineer Farhan Wathan Anezi, regional manager ng naturang kumpanya, na inaayos na ang mga papeles para sa pagpapauwi sa bangkay dito sa Pilipinas. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply