OFWs sa Saudi ililikas ni Binay, P24M hiningi

PORMAL na hiniling ni Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers (OFWs) at Vice President Jejomar Binay sa Malakanyang ang P24 milyon na pondo para sa madaliang paglilikas sa overstaying na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Sa liham na ipinadala ni BInay kay Pangulong Benigno S. Aquino III, kanyang hiniling ang pagpapalabas ng P23, 640,030 mula sa President’s Social Fund o sa ibang mapagkukunan ng pondo bilang pambili ng plane ticket ng may 1,084 obrerong Pinoy na namamamalagi sa Hajj Terminal sa Jeddah.

Ayon kay Binay, nagbabayad ang gobyerno ng Pilipinas ng 15 riyals araw-araw sa bawat OFW na nanunuluyan sa Hajj Terminal na posibleng umubos sa limitadong pondo ng embahada ng bansa sa Saudi Arabia.

Idinagdag pa ng Pangalawang Pangulo na mayroon ding 4,500 overstaying OFWs sa Saudi na pawang naghihitay ng kanilang repatriation na aabot naman sa P143-milyon na pondo ang kakailanganin.

Aniya, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay natapyasan ng 40 porsyento sa kanilang badyet mula sa P19 bilyon noong 2010 pababa sa P10.98 bilyon sa kasalukuyang taon.

Sanhi nito, bumaba rin ang ATN Fund ng DFA mula sa P200 milyon sa ngayon ay P109.3 milyon na pondong pinaghuhugutan para sa paglilikas, pagbiyahe ng labi ng mga nasasawing OFW, medical assistance at iba pang ayuda para sa mga obrerong Pinoy na nasa labas ng bansa. Axel Sam

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply