Oil companies ipinagtanggol ng DOE

MARIING dinipensahan ngayong Martes, Abril 26, ng Department of Energy (DOE) ang malalaking oil companies bunsod ng walang puknat na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene D. Almendras, hindi dapat isisi sa oil companies ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil ang pandaigdigang pamilihan  ang siyang nagdidikta ng presyo nito.

Sa isang press confenrence sa Philippine Information Agency (PIA), sinabi ni Almendras na ang ating bansa ay nakadepende sa produktong petrolyo at mas malaking porsyento nito ay galing sa ibayong dagat kung kayat nakadepende ang presyo nito world market.

Ayon pa kay Almendras, bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo isang programa ang inilunsad ng pamahalaan para matulungan ang hanay ng transport sector sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Pantawid Pasada Program” (PPP)  na mas kilala bilang Public Transport Assistance Program (PTAP).

Nabatid sa ulat na ang pangunahing programa ng PPP ay magbigay ng assistance o tulong sa transport sector kabilang ang jeepneys at tricycles  upang maibsan ang walang puknat na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunga ng kaguluhan na nagaganap sa Gitnang Silangan at North Africa.

Idinagdag pa ni Almendras, ang pagbibigay ng tulong sa transport sector ay sa pamamagitan ng cash na kinabibilangan ng P 1,050 sa jeepney sa pamamagitan ng  Pantawid Pasada card na kanyang gagamitin sa pagbili  ng diesel  sa mga gasoline station.

Habang ang tulong Pantawid Pasada naman sa mga tricycles ay ibibigay sa local government units (LGUs) kung saan ipamamahagi ang halagang P150 sa mga tricycle driver/operator.

Naniniwala naman DOE na sa pamamagitan ng naturang programa ay malaki ang maitutulong sa mga apektadong transport sector sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Hindi naman kabilang sa subsidy ang mga pampasaherong bus dahil karamihan sa mga ito ay pag-aari ng mga kumpanya at mga kooperatiba.

Nakatakdang simulan ang programa ng Pantawid Pasada Program sa darating na Mayo 2, 2011 sa loob ng isang buwan lamang. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply