Oil companies nagpatupad ng price rollback

URA-URADANG nagpatupad ng oil price rollback ngayon, Abril 20, ang Chevron matapos pagpaliwanagin ng Department of Energy (DOE) ang mga kompanya ng langis kaugnay sa ipinatupad na price adjustment.
Inanunsyo ng naturang kumpanya na ang rollback ay ipatutupad ngayong alas-dose ng tanghali; P0.25 para sa diesel, P0.40 sa kerosene, at P0.70 naman sa regular gasoline.

Samantala, nag-rollback din ito ng P.060 kada litro ng Gold E10 at Silver E10

Wala naman ipinaliwanag ang Chevron kung bakit napakabilis ang kanilang ginawang bawas-presyo ng produktong petrolyo.

Hindi pa batid kung susundan ng ibang oil companies ang ipinatupad na rollback ng Chevron.

Ayon sa DOE, nakapagtataka umano na higit na mataas sa kanilang naging computation ang ipinatupad na dagdag-presyo ng oil comapanies.

Matatandaang lalong mahal ang itinaas ng Shell, Chevron, PTT at Total sa kanilang mga produkto kumpara sa naging kuwenta ng DOE.

Base sa computation ng DOE, P0.16 lang dapat ang itinaas sa kada litro ng diesel at P0.39 naman sa kada litro ng gasolina. ngunit umabot ng P0.25 naman ang ipinataw ng apat na oil companies sa diesel at P0.60 sa per liter ng kanilang gasolina at.

Paliwanag naman ng mga oil companies, nagmahal daw kasi ang hinahalo nilang biofuel component.

Kapuna-puna rin ang daglian pagpapatupad ng price roll back at kailangan din nitong ipaliwanag kung saan ibinase ang pagbulusok sa presyo ng produktong petroyo. Johnny F. Arasga

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply