Oil companies walang patawad

INIHAMBING ni Sen. Juan Miguel Zubiri kina Hudas, Barabas at Hestas ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Zubiri dahil na rin sa walang habas na pagpapatupad ng oil price increase ng Shell, Petron at Chevron kung kelan nila gusto.

Ayon kay Zubiri, sobrang ganid at walang puso ang mga kompanya ng langis dahil kahit Holy Week ay hindi nila pinatawad ang publiko.

Anito, mistulang ipinagkanulo at pinagnakawan ng oil companies ang mamamayan sa kanilang kasakiman sa kita.

Kaya’t umapela si Zubiri sa oil companies na magtika at maawa naman sa taumbayan sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.

Kaugnay nito, hindi maiwasan ni Sen. Bong Revilla na kastiguhin ang mga kompanya ng langis sa muling pagtataas nito.

Sinabi ni Revilla, chairman ng Senate committee on public services, na wala na talagang konsenya ang mga kompanya ng langis dahil hindi man lamang iginalang ang paggunita ng mga Pilipino sa sakripisyo ng Panginoong Hesukristo.

Ani revilla, hindi dapat palagpasin ng Department of Energy ang mga pang-aabuso ng mga kompanya ng langis at ang pagpapataw ng panibagong kalbaryo sa taumbayan.

Kahit nag-rollback ang Chevron, sinabi ni Revilla na hindi pa rin ligtas sa pananagutan ang nasabing kompanya. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply