Okrayan sa ‘ex-men’

MINSAN, sa kwentuhan sa Facebook ng magkaka-batch sa hayskul, sinabi ng isang ka-batch na si Anna dela Rama na ‘wag daw siyang okrayin.

Tanong ni Rubi Francisco Macatuno, na matagal-tagal nang nasa Canada, “anong okray?”

Ang sumunod ay ang batuhan ng mga sagot ng mga naka-online noong oras na iyun:

Earnie Santos:  ang dami na ditong bagong lenggwahe ruby, ask mo c fort.

Ako: bakit ako? ano ako, bading? hoy, earnie, baka churvahin kita dyan! :-)

Gerry Halili: ha ha ha natawa talaga ako don idol fort, pare ernie ha ha ha ulit

Earnie: si fort pa, magiging manunulat ba yan ng ganun lang..trulalu wlang eklabu..

Ako: ahh… yan ang patunay na mas bading sa akin si pareng earnie. di ko na alam yung mga words na yan.

Gerry: pare ernie grabe ka bumibigay ka na din a dami u na alm na words a he he he

Earnie: ibig sabihin nun, tutut un, walang bolyas…

Josefina Hi di ba ang meaning nun ay totoo at walang halong biro oh kasinungalingan, tama ba ako he he.

Ako: itanong mo kay earnie, josie, siya ang bading sa grupo eh. he he

Gerry: bwaa ha ha ha ha mare ernie na tawag ko sa u he he he

Josefina tama ako!

Gerry: tama un josie kaya lang words un ng mga kapatiran namin e he he he kaya now lang namin nalaman ni fort na ka-system din pala namin si mare ernie ha ha ha

Earnie:  hala.. patay, nagkaladlaran na…

Ako: ang reward mo, josie, ay isang makeover at hairstyle courtesy of pareng earnie. hoy, wag mo maliitin yan. nag-seminar kay ricky reyes yan

Josefina H: ha ha ha kayo talaga puro kalokohan he he.

Gerry:  bravaaa,mabuhay ang mga bading he he he

Ako: napipikon na si pareng earnie. kaya para patunayan niyang lalaki siya talaga, ililibre niya tayo, pareng gerry, ng isang buong gabing inuman at pambababae!

Earnie: echoooss… hindi fort, bading talaga koh….

Ako: hindi ka bading, pare. kuripot ka lang

Gerry: now lang kc namin to nailalabas e di na mapigilan talaga he he he

Earnie:  bading, badaf, syoke, talyada, mujer, ok lang, wag lang maglibre, hahaha…

Gerry:  bwaaa ha ha ha tinotoo na nga ni mare ernie wag lang magpainom ha ha ha apearrr

Earnie: hahaha…

Gerry: pare earnie san ka now/pwede ba taung mag lamyerda bukas ng gbi manghahanting tau sama ntin c fort sagot ko wag ka magalala

Earnie: meron ako ngaun… some other tym na lang.

Josefina H: oh sige bahala na kayo diyan mga girlalu out na ako time to work ko na babuuuuuu.

Reynaldo Angel: nag chuchurva pa daw cla, nang hunting ng lalake. hehehe

Mercedes: ay naku rey dati silang men ngayon ex-men na sila,wala ako masbi sa nyong tatlo gerry,earni @ fort,dapat palitan nyo na ang mga namesung nyo.

Ganun ang mga pangyayari, mga kaibigan.

Hindi ko pa sila pinasikatan ng natutunan kong mga salitang “kakaiba” sa newsroom namin, tulad ng “kembular.”

Pero ibang kwento na ‘yun. Fort Nicolas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply