Ombudsman Gutierrez di gumaganti – Belmonte

MALAKI ang paniwala ni Speaker Feliciano “SB” Belmonte na hindi pagganti sa mga kongresista ang isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa mga kongresistang umano’y nakinabang sa kontrobersyal na P723-milyon fertilizer fund scam.

Kasabay nito ay pinayuhan ni Belmonte si Ombudsman Merceditas Gutierrez na bilisan ang imbestigasyon nang mabigyan ng pagkakataon ang mga mambabatas na sangkot sa isyu scam na maipagtanggol ang kanilang sarili.

Iginiit ni Belmonte na marahil ay gustong ipakita ni Gutierrez na hindi niya inuupuan ang graft cases na nakabinbin sa kanyang tanggapan, bagama’t pitong taon na ang nakalilipas bago naisagawa ang pormal na imbestigasyon.

“Go ahead, complete their investigation and not do it in trickles, so people can speak out,” aniya.

Si Belmonte ang nanguna sa pag-i-impeach kay Gutierrez kaugnay sa betrayal of public trust at iba pa tulad ng hindi pag-aksyon umano sa mga high-profile graft case, kabilang ang fertilizer fund scam.

Ang pahayag na ito ni Belmonte ay kasunod ng resolusyon na inilabas ng Ombudsman noong Abril 15 kung saan nakalista dito ang pangalan ng mga mambabatas na diumano’y tumanggap ng pondo noong 2004.

Nakapaloob din sa naturang resolusyon ng Ombudsman ang rekomendasyon na maghain na ng pormal na reklamo laban kina dating Agriculture Secretary Luis Lorenzo at dating Undersecretary Jocely “Joc-Joc” Bolante ng plunder kaugnay sa fertilizer fund scam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply