Ombudsman naunang inabswelto si DO Gonzales

NAUNA na umanong dinesisyunan ng Office of the Ombudsman ang kaso ni Deputy Ombudsman Emilio A. Gonzales, III ayon sa opisyal na press statement ng Tanodbayan.

Kung ngayon ay nasibak sa puwesto si DO Gonzales sa desisyon ng Office of the President noong Marso 31, 2011, pinawalang-sala naman siya ng Ombudsman Internal Affairs Board noon.

“This Office had already taken cognizance of the case of DO Gonzales and its Internal Affairs Board has already acquitted him of the charge,” paliwanag pa ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Nilinaw ng naturang tanggapan na alinsunod sa Sec. 4, Art. XI ng 1987 Constitution, at Sec. 21 ng Republic Act No. 6770 ang naging hakbang ng Tanodbayan.

Sa nabanggit na mga batas, binibigyang-diin ang pagsasarili o independence ng Ombudsman sa iba pang sangay ng pamahalaan.

Subalit, nakasaad din sa RA No. 6770 na: “The Office of the Ombudsman shall have disciplinary authority over all xxxx appointive officials of the Government xxx except over officials who may be removed only by impeachment, or over members of Congress and the Judiciary.”

Pormal na umanong natanggap ng Ombudsman ang kopya ng desisyon ng Malacañang na nagsisibak kay DO Gonzales kaugnay ng Luneta hostage-taking incident noong nakaraang taon.

Nabatid na batay sa nakasaad sa 15-pahinang desisyon na nilagdaan ni Executive Secretary Jojo Ochoa,  nilabag ni DO Gonzales ang panuntunan ng Office of the Ombudsman sa paghawak nito sa kaso ni S/Insp. Rolando Mendoza na nagbunsod sa madugong pangho-hostage.

Ikinokonsidera naman ng Office of the Ombudsman na sarado na ang kaso noon pa mang matapos nilang dinggin ang kaso ni DO Gonzales kung may pananagutan ito sa hostage-taking incident. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply