Operasyon ng LRT tumigil na naman

MULI na namang nagka-abrerya ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 nang hindi sumara ang pintuan ng tren nito kaninang alas-otso ng umaga, sa may bandang Carriedo Station.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, spokesperson ng LRT Authority (LRTA), hindi maisara ang pinto ng tren kaya inihinto muna ito.

Nabatid na ang dahilan nito ay ang sobrang dami ng pasahero na nagsisiksikan.

“Nahihirapang magsara ng pintuan nung train …halos four to five minutes ang delay pero siyempre nagkaroon ng exponential delay,” pahayag ni Cabrera.

Ipinaliwanag ni Cabrera na ang pintuan ng train ay awtomatikong hindi magsasara dahil sa nakalagay sa safety protocol kapag siksik sa pasahero ang loob nito.

“Titingnan na natin at bantayan yung dami ng tao na sumasakay,” ayon pa kay Cabrera.

Ilang minuto makaraan ang naganap na insidente, ang operasyo ng LRT-1 na bumibiyahe mula Monumento hangaang Baclaran at Baclaran/Monumento ay  nagbalik na sa normal. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply