Osmeña dismayado sa performance ng BIR

DISMAYADO si Senador Serge Osmeña III sa trabaho ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue dahil sa mababang koleksyon sa buwis.

Ito’y sa kabila ng paghaharap ng mga kaso ng BIR laban sa tax evaders, kabilang na si congressman Mikey Arroyo.

Ayon kay Osmeña, chairman ng Senate committee on banks, financial institution and currencies, hindi siya natutuwa sa trabaho ng BIR at customs bunsod ng perrenial na problema sa kabiguan na maabot ang target collections taun-taon.

Tinukoy ni Osmeña na kabilang sa problema ng customs ay ang smuggling at tax evasion.

Dahil dito, hinamon ni osmeña ang BIR at Customs na dapat pagbutihin ang koleksyon ng buwis para makatulong sa gastusin ng gobyerno.

samantala, pabor si Osmeña sa dagdag na sin taxes o buwis sa alak at sigarilyo dahil makatutulong sa revenue ng gobyerno at mapapangalagaan pa ang kalusugan ng mamamayan.

Bukod dito, dapat aniya na ihinto na ang pagkakaloob ng tax holiday sa iba’t ibang industriya at kompanya sa loob ng economic zones dahil isa ito sa dahilan ng tax leakage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply