P125 legislated wage hike tinuldukan na ni PNoy

TINULDUKAN na ng Malacañang ang hirit na legislated wage increase para sa mga manggagawa.

Magugunitang kinukulit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Pangulong Noynoy Aquino na sertipikahang urgent ang P125 legislated wage hike.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na mas suportado nila ang mekanismo ng wage boards sa pagdetermina ng anumang dagdag na sahod.

Ayon kay Lacierda, ang wage boards ang nasa pinakamagandang posisyon para madetermina ang working conditions sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

“So again, we do not support a legislated wage hike,” ani Lacierda.

Nauna nang inprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang pagsasagawa ng konsultasyon para sa wage increase sa Metro Manila matapos ideklara ng National Capital Region (NCR) wage board na merong sapat na rason upang talakayin ang isyu sa emergency wage hike. Girlie Raoet

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply