P15-M smuggled cigarettes nasabat

NASABAT ng awtoridad ang bulto-bultong puslit na sigarilyo mula sa Malaysia na nagkakahalaga ng P15 milyon sa Calapan City, Palawan.

Batay sa ulat ng awtoridad, sa isinagawang raid nitong Miyerkules ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group, Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP) at local officials ay nakumpiska ang mga kontrabando sa isang storage house sa barangay Mangesee, sa bayan ng  Balabac kung saan nakaimbak ang mga smuggled cigarettes.

Humigit kumulang sa 830 malalaking kahon ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na ipinuslit sa Malaysia ang nakumpiska.

Ang nasabing operasyon sa illegal smuggling ay pinangunahan ni Major Wilfredo Manalang ng AFP’s Western Command.

Samantala, ang mga nadakip na suspek sa pagpupuslit kasama ng mga “hot items” ay nasa kustodiya na ng pamahalaan at patuloy na iniimbestigahan.

Pinapurihan naman ni Commodore Edgardo Tamayo, commander ng AFP Naval Forces West, ang matagumpay na operasyon ng pinagsanib ng puwersa ng pamahalaan, pati na ng mga concerned citizens, na nagbigay ng impormasyon sa awtoridad hinggil sa presensya ng illegal items sa kanilang lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply