P160M ipopondo sa mga proyekto sa Panay

MAGBABALA ng P160 milyong pondo ang Department of Agriculture (DA) para sa malalaking proyektong pang-agrikultura sa Panay.

Kabilang sa mga proyektong bubuhusan ng malaking pondo ng ahensiya ang mga imprastrakturang pangsakahan at patubig sa Panay region bilang bahagi ng rice-sufficiency program ng administrasyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino IIII.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, nasa P160 milyon ang ilalaan ng kagawaran para sa mga proyektong ito na kinabibilangan ng rehabilitasyon ng pasilidad sa patubig at water system projects sa isla ng Panay.

“We want to kick off this project immediately as irrigation plays an important role in the Rice Self-Sufficiency Program of the Aquino administration,” ani Alcala nang bumisita sa mga probinsiya ng Capiz at Iloilo kamakailan.

“DA is currently funding big ticket projects which are more efficient and will ascertain positive results,” sabi pa ni Alcala.

Magpapadala rin ang DA ng team ng mga eksperto sa Pana para pag-aralan ang episyenteng pagsasakatuparan ng proyekto roon.

Sinabi ni Alcala na ang ganitong pagpopondo sa tinatawag na big ticket projects ay pamalit ng gobyerno sa inalis na subsidiya sa mga magsasaka dahil mas sigurado umanong magbibigay ito ng positibo at pangmatagalang benepisyo kung ihahambing sa panandaliang tulong na naibibigay ng subsidiya.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na napatunayan na hindi epektibo ang dating programa ng gobyerno na mamudmod ng subsidiya sa butil at pataba kaya inalis ito ng administrasyong Aquino.

“Mas maliit ang budget natin ngayon kaya pina-prioritize natin ‘yung mga programa na talagang makakatulong,” ani Alcala. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply