P1B inilaan para sa 3D map ng pamahalaan

NAGLAAN ang pamahalaan ng P1 billion para sa paggawa ng three-dimensional (3-D) map ng Pilipinas upang mapaunlad ang kapasidad sa pagtugon sa mga disaster at calamity response sa bansa.

Maglalabas ng P1 bilyong ang pamahalaan, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III.

“Isa pa sa ating mga ipinapanukala, ang pagbuo ng isang comprehensive 3D map ng buong Pilippinas. Maglalabas tayo ng mahigit sa P1 bilyong.” pahayag ni Aquino sa naganap na inauguration ng Agno River Basin Flood Forecasting and Warning System (FFWS) and Agno River Flood Forecasting and Warning Center (FFWC) sa Pangasinan kaninang umaga, Abril 8.

Kaugnay nito, isinantabi muna ng Pangulo ang posibleng pagkakaroon ng reklamo sa pagpapalabas ng pondo sa nasabing binubuong proyekto.

Anito, ang 3D map ay makatutulong sa pamahalaan upang masagip ang kababayan sa mga mga sinalantang kalamidad sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Sa mapping na ito, mas lalawak ang pagtanaw natin sa bawat sulok ng bansa na magpapalakas sa kakayahan natin na malaman ang mga lugar na maaaring datnan ng baha at iba pang sakuna,” anang Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo, ang Pilipinas ang isang geo-hazard area at 66 na lalawigan nito ay itinuturing na laging sinasalanta ng kalamidad.

“Tama lang naman po siguro na paglalaanan natin ng kaukulang pondo ang pangangalaga sa mga ito,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi rin nito,ang bagong proyekto ay magpalalakas sa kapasidad ng Department of Science and Technology (DOST) para sa modernization ng weather forecasting bureau ng bansa, ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply