P2M na-hijack na container van nabawi

NABAWI na ng awtoridad ang na-hijack na container van na naglalaman ng humigit kumulang sa P2 milyon halaga ng iba’t ibang produkto sa loob ng isang warehouse sa Caloocan City.

Ang container van ay iniulat na sapilitang kinuha ng hijakers nitong nakaraang Semana Santa at itinago sa isang warehouse na nasa 8th Street, 11th Avenue kaninang umaga, Abril 25.

Ang pagkakatuklas sa container van ay bunga ng natanggap na impormasyon sa hijackers makaraang i-hijack ang container van sa Boni Serrano, Quezon City nitong nakaraang Miyerkoles.

Nabatid na iniwanan ng hijackers ang truck sa Caloocan City at natagpuan ang container van sa nabanggit na warehouse. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply