P200M alok na pork ni PNoy tinabla ni Lacson

TINABLA ni Sen. Panfilo Lacson ang alok na P200 milyon pork barrel ni Pangulong Benigno  Aquino III upang makatulong ang senador sa pangangailangan ng kanyang constituent na pangkaraniwang ginagawa ng kasamahan sa Kongreso.

Ayon kay Lacson, inalok siya ni Pangulong Aquino ng naturang halaga nang magkausap ang dalawa sa Palasyo nitong Marso 31, limang araw nang makabalik sa bansa mula sa mahigit isang taong pagtatago dulot ng kinahaharap na double murder case.

Gayunman, tinabla ng senador ang alok ng Pangulo dahil nasimulan na niyang huwag gumamit ng pork barrel fund bunga ng mga ulat na nababahiran ng kurakutan ang paggamit ng pondong ito.

“We’ve heard about 20-30-40 % commission on all infrastructure projects. I told President Noy when he had that meeting when he offered ‘maayos ang pagpapatupad ng pork barrel, baka gusto mo tulungan constitutents mo’ sabi ko ‘sinimulan ko ito pangangatawanan ko na,”paglalahad ni Lacson.

Nilinaw naman ni Lacson na hindi niya pinararatangan ang ibang senador at kongresistang tumatanggap ng pork barrel fund na nasasayaran ng komisyon o kickback, pero lahat sila ay pinagsususpetsahan umano ng taumbayan na nangungurakot sa pondo ng bayan.

Sinabi ng senador na dapat maging transparent ang paggamit ng pork barrel upang  hindi makurakot ang paggamit ng PDAF at iba pang pondo para sa government projects.

Tumatanggap ng P200 milyong pork barrel kada taon ang   bawat senador  sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund(PDAF) na dating Countrywide Development Fund(CDF) noong administrasyon ni Cory Aquino.

Ang bawat kongresista naman ay mayroong P 70 milyong PDAF. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply