P20M halaga ng cocaine nasabat sa buy-bust

NAKUMPISKA sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Anti Illigal Drugs Special Operation Task Force mula sa Camp Crame ang P20 milyon halaga ng cocaine sa Cebu, Sabado, Abril 16.

Nahuli rin sa nasabing operasyon ang dalawang suspek na sina Eric Balansil, 34, at  Darwin Debuque, 36.

Inaresto ng mga tauhan ng AIDSOTF at PNP-Regional AIDSOTF sa labas ng isang fast food restaurant sa kahabaaan ng Manuel L Quezon National Highway sa Barangay Pajo, Lapu-Lapu City ang dalawang suspek matapos na tanggapin ang ginamit salapi ng isang nagpanggap na poseur buyer.

Sa report na isinumite ng AIDSOTF sa tanggapan ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo, nakumpiska ang tatlong cocaine brick na tinatayang tumitimbang ng 3.4 kilos sa dalawang pusher.

Ayon kay P/SrSupt Ismael Fajardo, sina Balansil at Debuque na kapwa nagmula sa Leyte ay tinuturing na Level 2 pushers at kasalukuyang nakapiit na sa PRO headquarters sa Camp Sergio Osmeña, Cebu City.

Ang mga ito ay nakatakdang sampahan ngayong Lunes ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Nabawi rin sa operation ang ginamit na marked money na nagkakahalaga ng  P1.4 million.

Nabatid kay Fajardo na matagal na nilang sinusubaybayan ang drug dealing operation ng dalawang suspek sa Eastern, Western at Central Visayas, subalit lagi silang nalulusutan dahil sa umano’y paggamit ng dalawa ng kanilang  “koneksyon” sa  Maynila.

Napag-alaman na bago ang isinagawang buy-bust operation ay nakipag-coordinate muna sila sa tanggapan ni Lapu-Lapu City Police Office (LLCPO) Chief Anthony Obenza sa pamamagitan ng  Police Regional Office (PRO)- Central Visayas ngunit hindi tinukoy kung sino ang kanilang target. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply