P300M pekeng Louis Vuitton, Nike winasak ng Customs

TINATAYANG nasa P300 milyon halaga ng mga pekeng produkto ng Louis Vuitton at Nike ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) kanina, Abril 3, ikinokonsiderang isa sa malakihang pagwasak ng mga pekeng produkto ngayong 2011

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang mga kinondenang produkto ay kinabibilangan ng mga pekeng energizer battery, Louis Vuitton, Chanel, Gucci, Lacoste, Breitling  at Nike.

Ipinasok sa bansa ang mga pekeng kagamitan ng Multikarat Enterprises at Portwings Trading na lumabag sa Intellectual Property Law ng bansa.

Binigyan ng komendasyon ng Customs commissioner sina Customs intelligence Service Director Filomeno Vicencio Jr. at BOC Intellectual Proprety Rights Division Atty. Zsae Carrie de Guzman sa tagumpay na pagtitiktik at pagharang sa mga pekeng produkto na makapasok sa bansa.

Ayon kay Alvarez, ang mga operasyong tulad nito ay magtatanim ng takot sa mga ismagler ng mga pekeng produkto sa bansa. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply