P360B kada taon benta ng droga sa PH – Villar

IBINULGAR ni Sen. Manny Villar na umaabot sa mahigit isang bilyong piso kada araw o aabot sa P360 bilyon kada taon ang halaga ng bentahan ng droga sa buong bansa partikular sa Metro Manila, Cebu at Hilagang bahagi ng Mindanao.

Dahil dito, naalarma si Villar kaya naghain ito ng resolusyon upang paimbestigahan sa Senate committee on public order and illegal drugs at matalupan, maaresto at maipakulong ang sinuman na nasa likod ng sindikato.

“Kailangan nang matalupan, maipaaresto at maipakulong ang sinumang nasa likod ng drug syndicate na responsible sa pagbebenta ng $8.4 bilyon o P360 bilyong halaga ng drioga kada taon,” ayon kay Villar.

Sa resolusyon ni Villar, hiningi nito sa komiteng pinamumunuan ni Sen . Gregorio Honasan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa patuloy na pamamayagpag ng international drug syndicate at ang mga big-time criminal syndicate sa bansa na siyang gumagawa ng illegal na droga at nagbebenta sa loob ng bansa.

Ayon sa senador, umaabot sa P 600 bilyon ang taunang kinikita ng criminal syndicate sa bansa, tulad ng drug trafficking, kidnap-for-ranson, robbery/hold-up at carnapping pero mahigit kalahati nito ay gawa ng mga drug syndicate.

“The value of illegal drugs trafficked in the Philippines was placed at $ 6.4 billion to $ 8.4 billion annually, with the top three areas most affected as Cebu, Northern Mindanao at Metro Manila,” ayon kay Villar.

Dahil dito, naging numero uno ang Pilipinas sa paramihan ng drug user sa buong Southeast Asia, base na rin sa report 2008 World Drug report ng isang tanggapan ng United Nations (UN).

Isa sa nakikitang problema ni Villar, ang kahinaan ng awtoridad upang madiin ang mga nahuhuling nagtutulak at gumagawa ng iligal na droga. Noong 2008, 12,381 ang kasong naisampa ng pulisya pero 35 lamang ang nagkaroon ng conviction.

Nitong Enero 2011, umaabot na sa 700 suspected Filipino drug courier ang nahuli at nakakulong ngayon sa iba’t-ibang bansa, karamihan dito ay sa China, kung saan 63 percent nito ay kababaihan.

Sa panig ng Senado, kailangan ding umaksyon ang kapulungan para matalupan ang mga sindikatong ito at makapagbalangkas ng panukalang batas para mahigpitan ang paglaban sa iligal na droga sa bansa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply