P4.2B inilaan sa pabahay ng sundalo, pulis

NAGLAAN ang Malakanyang ng P4.2 bilyong pondo sa pagpapatayo ng 20,000 kabahayan para sa maliliit ang suweldo na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng hakbangin ng administrasyong Aquino na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga kawani ng pamahalaan.

Ito ang magandang balita na inihatid Martes, Abril 12, sa mga mamamahayag ni Executive Secretary Paquito Ochoa matapos umanong lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Administrative Order No. 9 noong Abril 11.

Ang AO No. 9 ay maglulunsad ng AFP/PNP Housing Project na nagsasaad ng mga probisyon kaugnay sa pagkakaloob ng permanenteng pabahay para sa mga sundalo at pulis na makakapasa sa mga criteria na itatakda bilang mga benepisyaryo ng naturang programa ng pabahay.

“It is the policy of this administration to improve the welfare of government employees, including military and police personnel,” pahayag ni Ochoa.

“Providing decent and affordable shelter to soldiers and policemen is one way to carry out such policy.”

Ayon pa kay Ochoa, na sa pamamagitan ng abot-kaya at disenteng pabahay ay umaasa ang administrasyong Aquino na masuklian ang pag-aalay o paglalagay sa panganib sa buhay ng mga nasa serbisyong sundalo at pulis upang maseguro lamang ang katahimikan sa bansa.

Sa bisa ng AO No. 9, inatasan ni Pangulong Aquino ang National Housing Authority (NHA) na manguna sa pagpapatupad sa naturang programa sa pabahay ng pamahalaan na ang pondo na gugugulin ay magmumula rin sa budget ng nabanggit na ahensya.

Ayon naman sa Executive Order (EO) No. 90 noong Disyembre 1986, ibinibigay din ang kapangyarihan sa NHA bilang responsable sa implementasyon ng socialized housing project ng gobyerno sa ilalim naman ng National Shelter Program (NSP).

Kaugnay nito, iniutos na rin ni Pangulong Aquino sa NHA na bumuo ng mga pamantayan, pagpapatupad at pangangasiwa ng nabanggit na abot-kayang pabahay para sa mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Pambansang Kapulisan. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply