P5-M cocaine nakumpiska sa tulak

NAKUMPISKA ng awtoridad ang isang kilo ng cocaine na may halagang P5 milyon sa isinagawang sting operation sa Cebu City habang nakatakas naman ang tulak nito

Ang droga ay nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Naval Forces Central sa bahay sa A. Lopez St. sa Labangon village.

Sa kasamaang palad naman, nakatakas ang drug dealer na nakilala lamang sa alyas Yugan nang matunugan na ang napasukang transaksyon ay buy-bust operation.

Inabandona ni Yugan ang may P200,000 cash na ginamit sa transaksyon, ayon pa sa ulat.

Isinunod ang operasyon, isang linggo makaraan makakumpiska ang PDEA Central Visayas unit ng isa pang brick ng cocaine sa isa pang buy-bust operation sa Mandaue City sa Cebu.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply