P5-M ng Ligots, nasa National Treasury na

TINIYAK ni Justice Secretary Leila de Lima na hahabulin ng administrasyong Aquino ang yaman ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular na sa dating comptroller na sina Gen. Jacinto Ligot at Gen. Carlos Garcia.

Ang pahayag ay ginawa ni de Lima kasunod ng pagsasabing naiturn-over na nito sa National Treasury ang tsekeng nagkakahalaga ng US$132,000 o P5,698,973, na una nang inabot sa kanya ni US Ambassador Harry Thomas, Jr., na-forfeit sa mag-asawang Jacinto at Erlinda Ligot na ill-gotten wealth.

Matatandaan na humiling ang pamahalaan sa US government sa bisa ng Mutual Legal Assistance Treaty na silipin ang yaman ng mga Ligot sa US at nang mapatunayan na ill-gotten ang mga iyon ay kinumpiska pabor sa pamahalaan.

Sinabi ni de Lima na ang nasabing tseke ay personal niyang iniabot sa chairman ng National Treasurer’s Office na si Roberto Tan.

Ang nasabing halaga ay gagamitin naman sa mahahalagang proyekto ng pamahalaan.

Ani de Lima kahit pa man may nakumpiska na ang pamahalaan sa mga Ligot ay hindi pa ito natatapos dahil marami pang ari-arian ang mag-asawa ang kanilang iniimbestigahan na kung mapapatunayang illegal na yaman ay kanila umano itong kukumpiskahin.

Una nang nangako si Pangulong Noynoy Aquino sa mga sundalo na ibabalik nito sa AFP ang kinurakot na pondo ng mga tiwaling opisyal nito kasabay ng pangako na magkakaroon ng modernisasyon sa AFP at PNP partikular na sa kanilang mga gamit at pasilidad. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply