P5 milyon nadale ng ‘Dugo-dugo’

AABOT SA limang milyong halaga ng alahas ang natangay ng hinihinalang miyembro ng sidikatong “Dugo-dugo Gang” sa mag-asawang negosyante Huwebes ng hapon, Abril 14, sa Taguig City.

Batay imbestigasyon ng Taguig City Police, tumawag sa telepono ang isang ‘di kilalang lalaki sa bahay ng mag-asawang Carlo at Monique Lopez, residente ng Unit 11, 11th Floor Grand Hamstons Tower II, Global City, ng naturang lungsod.

Ang tawag ay natanggap ng kasambahay na si Juliet Cinco dakong 3:00 ng hapon at sinabing ang kanyang mga amo ay naka-aksidente sa parte ng Maynila at dinala umano ang kanyang amo sa Philippine General Hospital sa Maynila.

Sinabi pa ng tumawag na ang kanyang among babae ay dinala sa Manila police station upang imbestigahan kaugnay na kinasasangkutang aksidente.

Iniutos ng caller sa kasambahay na kunin ang jewerly box na naglalaman ng humigit kumulang limang milyong halaga ng mga alahas at ipinadala sa isang sangay ng Mercury Drug na nasa tapat ng PGH.

Ayon sa kasambahay, nagkunwaring dinala umano ng laalaki ang jewery box sa paggamutan at binilinan pang umuwi at magbantay sa kanilang bahay.

Natuklasan na lamang ng kasambahay na nabiktima siya ng sindikato nang kapwa dumating ang kanyang mga amo sa bahay at nagtaka ito dahil wala palang nangayaring aksidente sa mag-asawa

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang kasambahay upang mabatid kung may kaugnayan ito sa naganap na panloloko sa mag-asawang Lopez. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply