P500-P800 graduation fee: Guro happy, bata nagutom

ANO ba talaga ang mga patakaran sa  gradwesyon sa mga pablik iskul na elementarya at haiskul?

Dumalo kasi tayo, Suki, sa dalawang seremonyas para sa elementarya at haiskul.

Nagmasid lang tayo at nakipagtsikahan sa ilang magulang para malaman natin ang aktuwal na mga nangyayari.

Nagulat tayo sa mga naganap.

oOo

Heto ang ating mga napag-alaman.

Marami palang elementari iskul ang naniningil ng minimum na P500 para sa graduation fee at P800 para sa haiskul. Halos pare-pareho, Suki, ang mga nakalista na pinagkakagastusan para sa okasyon.

May para sa toga, klas piktyur, renta sa lugar, renta sa mga plastik na silya, medalya, guwardiyang barangay tanod, garland con rosas, lobo, tsibug at iba pa.

Pero hindi lang pala ito.

Kinailangan ang bagong t-shirt at pantalon na itim  para sa mga lalaki na nagkakahalaga ng nasa P600.

Siyempre pa, ispesyal dey ito sa mga magulang kaya dinayb nila ang mga gastos. “Wala kaming maipamamana kundi edukasyon,” katwiran nina itay at inay.

Nakatataba naman ito ng puso!

oOo

Heto ngayon ang siste.

Libre pala ang mga silya, medalya, tanod, toga at may libre ring lugar lalo na kung may sariling espasyo ang iskul.

May mga isponsor palang pulitiko sa mga kailangan ng mga bata.

Sa dalawang gradwesyon na ating dinaluhan, may nagalit na mga bata at magulang dahil sa gutom.

Walang tsibug.

Ang mga lumantak lang ng tsibug ay ang iilang titser at sina superintendent, superbisor, pulitiko at iba pa.

Ang mga titser lang na may hawak na koleksyon ng graduation fee ang hapi. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply