P500M subsidiya sa sektor ng transportasyon pampalubag loob lang

PAMPALUBAG loob lamang ang P500 milyon subsidiya ng gobyerno sa sektor ng transportasyon upang matigil ang pag-aaklas ng mga tsuper.

Ito ang tahasang sinabi ni Minority Leader Edcel Lagman at aniya’y hindi rin magtatagal ang subsidiyang ito at tatanggalin din ng administrasyon.

“A cosmetic balm to avert a transport strike is a deceitful approach being deodorized as a ‘populist’ initiative,” sinabi pa ni Lagman.

Sinabi ni Lagman na upang masolusyonan ng administrasyong Aquino ang napipintong krisis sa produktong petrolyo ay kailangang maglatag ang mga kinauukulang ahensya ng resolusyong pang-matagalan bago pa man tuluyang mag-alsa ang publiko sa patuloy na pagtaas sa presyo ng langis kaakibat ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Giit pa ng kongresista na kahit si Pangulong Aquino ay inamin  na ang subsidiya ay hindi pa nailalatag ang detalye.

“While the President’s admission that we have no control over the developments in the Middle East is defeatist, albeit true, the Aquino administration must exercise control over policies to adequately address the aftermath in the Philippines of the Middle East crisis.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply