P7.047M natipid sa proyekto ng DPWH

NAKATIPID ang pamahalaan ng P7.047 milyon makaraang magdaos ng matagumpay na local bidding para sa tatlong kalsada at pagsasaayos ng tulay sa Luzon na proyekto ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson ang mga bidding ay para sa mga pagkumpuni sa mga nasira ng bagyo na mga pambansang lansangan at tulay sa Pangasinan, La Union, Benguet, Laguna at lalawigan ng Quezon.

Napanalunan ng Aquino-Dela Cruz Engineering Construction ang pagkumpuni sa Bauang-Baguio City Road sa halagang P31.067 milyon kung saan ang budget sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA) funding ay P33.067.

Sa rehabilitasyon sa Benguet, nakuha ng R.A. Pahati Gravel and Sand ang Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Roads sa halagang P72.958 milyon gayung ang budget na nakalaan dito ay P75.508 milyon.

Sa Laguna at Quezon, nakuha ng JD Legaspi Construction ang pagkukumpuni ng mga nasirang daan at tulay sa alok na P50.348 milyon kontra sa inaprubahang budget sa proyekto na P52.845 milyon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply