P73-M utang na buwis ni Mikey Arroyo sa gov’t

UMAABOT sa P73 milyon ang hindi nabayarang buwis nina Galing party-list Rep. Juan Miguel Arroyo, anak ng dating Pangulong Gloria Arroyo at misis nito na si Maria Angela kaya sila sinampahan ng kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ng BIR na ang mag-asawang Arroyo ay hindi nagpasa ng income tax returns noong 2005, 2008 at 2009, habang ang kanyang misis na si Angela, ay wala ring ‘returns’ mula noong 2003 hanggang 2009.

“The Arroyos’ act of non-filing of their income tax returns is evident of their fraudulent scheme to defeat payment of taxes,” pahayag ng  BIR.

Sinabi rin ng BIR na hindi idineklara ng mag-asawa ang kanilang kita ng mahigit sa 30% para sa taxable years 2004, 2006 at 2007.

“A comparison made by the BIR of the Arroyo couple’s increase in net worth with their reported taxable income using the net worth method of investigation first used in the US against gangster Al Capone revealed substantial underdeclaration of income of more than 30%,” pahayag pa ng ahensiya.

May utang ang ma-asawang Arroyo sa gobyerno ng tinatayang  P73.85 milyon, hindi pa kasama ang surcharges at interest.

Ang kaso laban sa kanila ay ang ika-37 na isinampa sa ilalim ng Run After Tax Evaders o RATE program ng BIR sa ilalim ng liderato ni  Commissioner Kim Henares.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply