Lolo, 73, misis naghati sa P76-M lotto jackpot

ISANG 73-anyos na balong lalaki na taga-Iligan City at isang misis ng Las Piñas City ang naging ika-32 at ika-33 milyunaryo dahil sa lotto.

Nahagip ng dalawang lotto aficionado ang tamang kumbinasyong 03-37-10-07-23-05 ng Super Lotto 6/49 na binola noong Marso 27. Ang panalo ay may premyong P76,874,533.50, na pinaghatian ng dalawa.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, plano ng balo na gawing puhunan ang panalo sa negosyo at bahaginan ang pitong anak niya para makapagsimula ng kani-kanilang negosyo.

Bumisita na sa PCSO main office sa Pasay City ang mapalad na balo kasama ang isang anak para kubrahin ang kaniyang pinanalunan. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply