P7K minimum SSS pension isinulong

MAKATATANGGAP ang milyun-milyong Social Security System (SSS) members ng mas mataas na buwanang pensyon sa sandaling maisabatas ang panukalang isinulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa iniakdang House Bill 4365 nina Reps. Neri Javier Colmenares at Teodoro Casiño, ng Bayan Muna party-list, nakasaad na bibigyan ang SSS retirees ng minimum pension na P7,000 upang makatulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sinabi ni Colmenares na maraming bilang ng SSS pensioners ang umaangal sa liit ng kanilang pensyon dahil hindi na ito sumasapat sa kani-kanilang gastusin.

Layon ng nasabing panukala na amiyendahan ang Section 12 ng Republic Act 1161 ng Republic Act 8262, mas kilala bilang Social Security Law.

Sa kasalukuyang batas, ang mga miyembro ng SSS na may 10 credited taong serbisyo ay mabibigyan ng buwanang pension an P1,200. Samantala, ang may 20 credited taong serbisyo ay makatatanggap din ng P2,400.

Nakasaad sa panukala ang pagkakaroon ng minimum monthly pension na P4,000 at taunang madadagdagan ito ng P500 kada buwan hanggang maging P7,000 ang minimum na pensyon. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply