Paalam mahal naming AJ Perez

HANGGANG ngayoy ay hindi pa rin kami makapaniwala na patay na si AJ Perez due to vehicular accident.

Sobra naming dinamdam yun dahil close kami sa kanya at sa kanyang pamilya.

Mabait si AJ, hindi siya sakit ng ulo ng kanyang mga magulang, kaya siguro maaga siyang kinuha ng Nasa Itaas.

Kaya lang sobrang aga naman, sana hindi pa ngayon.

Ang mga labi ni AJ ay nakalagak sa La Salle Greenhills kung saan ay dito siya nagtapos ng high school.

Sa pamilya ni AJ, ang taos puso naming pakikiramay.

-0O0-

KRIS AQUINO & DINGDONG DANTES SANIB-PWERSA SA TAKUTAN

TULOY na tuloy na ang pagtatambal sa pelikula nina Dingdong Dantes at Kris Aquino na entry sa darating na 2012 Metro Manila Film Festival this December na sila mismo ang producers at may ibang investors.

Namimili pa sila ng best concept ng film na babagay sa kanila pero malamang horror-suspense thriller ito. Excited na ang dalawa sa una nilang pagtatambal.

Habang hindi pa nag-i-start ang pelikula ay tuloy-tuloy lang siya ng taping ng “I Heart U Pare” na si Iza Calzado na ang kapareha niya rito.

Pinalitan nito si Regine Velasquez dahil buntis na ito ngayon. Rommel Placente

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply