Pabahay sa mga sundalo at pulis ipamamahagi—Ochoa

ILALAAN ng pamahalaang Aquino ang P4.2 bilyon para sa pagtatayo ng 20,000 bahay para sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na mababa ang tinatanggap na sahod.

Ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa,  nilagdaan na ni Pang. Noynoy Aquino ang Administrative Order No. 9 noong Abril 11 na lumilikha sa proyektong pabahay para sa mga kasundaluhan at kapulisan na kwalipikado sa programa.”

Layunin ng administrasyong ito na pangalagaan ang kapakanan ng mga tauhan ng pamahalaan, kabilang ang mga kawal at pulis, ani Ochoa. Ang maayos at abot-kayang presyo ng pabahay sa mga sundalo at pulis ay isang paraan para maipatupad ang hangarin ng gobyerno dahil alam nila na hanggang ngayon ay marami sa mga sundalo at pulis ang walang sariling bahay kaya ito ang tinutugunan ng gobyerno, ayon pa kay Ochoa.

Sa abot-kaya at disenteng bahay, umaasa ang administrasyon na ang mga sundalo at pulis na nag-aalay ng buhay sa pagpapatupad ng batas ng bansa at pangangalaga sa kapayapaan at katiwasayan ng bayan ay mabibigyan ng kailangan nilang bahay, dugtong pa  nito.

Inatasan na ng Punong Ehekutibo sa bisa ng nasabing AO ang National Housing Authority na pangunahan ang pagpapatupad ng proyekto na ang pondo ay huhugutin din sa nasabing ahensiya.

VK NG BATA NI MAYOR SALONGA

SA wakas ay nagising na rin  si Nueva, Ecija PD Supt. Roberto Aliggayu makaraang ipag-utos nito sa hepe ng San Antonio na si Capt. Morales na hulihin ang mga nakalatag na makina (VK) ng pulis na bata ni Mayor Arvin Salonga na si PO2 Atoy Cruz.

Sana nga ay hindi maging ningas-kugon lang ang aksyon na ito ni Supt. Aliggayu. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply