Pabahay sa squatters

NOONG panunungkulan ko bilang Majority Floor Leader ng Quezon City Council, lagi ang tanong sa akin na mahirap sagutin ay kung sagot ba ang pabahay programs sa squatter problems ng lungsod.

Oo nga naman, napakaraming pabahay programs noon hanggang ngayon, marami pa rin ang squatters at lalo pang dumadami. Para sa akin hindi sapat na sagot ang pabahay. Hindi kayang bigyan ng lokal na pamahalaan ng bahay ang lahat ng squatters na mabilis dumadami.

Marami sa mga squatters sa lungsod ay galing sa mahihirap na probinsya. Nakikipagsapalaran sa Maynila dahil walang trabaho, hirap at gutom kasi sa kanila. Pagdating sa Manila, kulang din ang kikitaing pera, di  maka-upa ng maayos kaya squatter ang bagsak.

Magkakapamilya sila, mga anak ay mag-aasawa at magkakapamilya, at ang iba pang kamag-anak sa probinsya ay susunod dito. Pare-pareho na walang makitang trabaho, kung meron man, di din sapat ang sahod. Kung ito ang simula ng squatting problem, dapat siguro na matutukan ng pamahalaan na mapaangat ang buhay sa probinsya. Dapat ay magkaroon ng mapapagkakitaang maayos doon.

Para magkaroon ng angkla ang mga tao at hindi na umalis. At yung mga squatters na nandito na, hindi talaga pwedeng bahay lang ang ibigay, kailangan nila ng trabaho para maayos na makaraos sa araw-araw.

Sabi sa isang balita kamakailan, pinagdududahan daw ni Congressman Winnie Castelo ang tunay na dahilan ng mga sunog sa QC, na baka daw sinadya para lang mapaalis ang mga squatters.

Pagdudahan man natin yan, walang mangyayari sa problema ng squatters. Kailangan natin ang kabuhayan at edukasyon para sa mga squatters upang umunlad ang kanilang mga buhay at paunlarin na rin ang buhay sa mga probinsyang pinanggalingan nila na dapat ay gawing prayoridad ng administrasyon.

Yan ang dapat pagtuunan natin Pareng Winnie, kasama mo ako dyan. Kayo, ano sa palagay ninyo?

Kung kayo ang magaayos, paano nyo aayusin ang problemang ito?

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply