Pag-amyenda sa rules of impeachment nilalakad

HABANG nagpapahinga ang ilang mga senador ngayong session break, abala naman itong si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa pagpapa-ikot ng kanyang resolusyon na naglalayong amiyendahan ang na-adopt na rules of impeachment na gagamitin sa isasagawang impeachment trial laban kay Ombudsman Merciditas Gutierrez.

Ito ang kinumpirma ni Sen. Teofisto “Tg” Guingona III, matapos amining pumirma na ito sa resolusyon na naglalayon na magkaroon agad ng botohan sa bawat article of impeachment na kanilang matatapos na impeachment trial.

Ayon kay Guingona, bukod kay Pangilinan, ito pa lamang ang pumipirma sa naturang resolusyon na sumusuporta sa pag-amyenda ng rules of impeachment upang mapadali ang kanilang isasagawang paglilitis kay Ombudsman Gutierrez at mapagtuunan ang mga mahahalagang panukalang batas na kailangan ng mamamayan.

Bukod kay Guingona, nagpahayag na rin ng suporta si Sen. Gregorio “Gringo” Honasan sa pag-amyenda sa rules of impeachment upang hindi gumugol ng oras ang senado sa naturang impeachment trial.

In-adopt ng Senado ang rules na tatapusin muna ang lahat ng anim na articles of impeachment bago sila magbotohan sa bawat article doon. Alin man sa anim ang makukuha ng 2/3 votes sa mga senador na tatayong hukom sa impeachment trial ay nangangahulugan ng impeachment ni Gutierrez. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply