Pag-audit ng pondo ng ARMM pinalagan

KINASTIGO ni dating Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr . ang Malakanyang sa paggiit na kaya ipagpapaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay dahil ino-audit pa ang pondo nito.

Ayon kay Pimentel, hindi matibay na basehan ang “excuse” na ito ni Interior Secretary Jessie Robredo  para i-postpone ang halalan sa ARMM.

Aniya, sa halip na i-postpone ang eleksyon, dapat pa umanong ituloy ito para mabigyan ng sapat na panahon ang pamahalaan na magharap ng mga kaso laban sa mga opisyal ng ARMM sa ilegal na paggamit ng pondo.

Sinabi pa nito, ang inaasahang conclusion ng audit sa Mayo ay makakatulong sa pamahalaan para maging basehan sa paghahain ng kasong plunder laban sa outgoing officials ng ARMM.

Nauna rito, inilabas ni Robredo ang partial audit report na hindi nagagamit sa tama ang ARMM funds na nagkakahalaga ng P2.5 bilyon  sa ilalim ng pangangasiwa ni dating Gov. Zaldy Ampatuan, na idinadawit sa Maguindanao Massacre.

At inaasahang ilalabas ng commission on audit ang part 2 hanggang part 4 ng audit report sa mayo.

Katuwiran ni Pimentel, ang tunay na reporma sa rehiyon ay maisasakatuparan ng bagong mandato na ibibigay ng mga botante sa mga bagong lider ng ARMM at hindi sa pamamagitan ng appointing power ng Pangulong Benigno Aquino III. Vicky Cervales

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply