Pag-ayuda ng gobyerno sa mga naulila ng binitay, inalmahan ni Sotto

MAITUTURING na malaking insulto sa lehitimong overseas Filipino workers (OFWs) ang panukalang pag-ayuda  ng gobyerno sa mga naulila ng tatlong Pinoy na binitay sa China kamakailan dahil sa drug trafficking.

Ito ang pahayag ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito” Sotto, III  kasabay ang babala  na kung binabalak ng gobyerno na bigyan ng tulong pinansyal at pag-aralin ang mga anak ni Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain, dapat  pag-isipan ito ng mabuti dahil tiyak na marami ang magagalit sa kanila.

“Anong mensahe ang ibibigay nila sa taumbayan, yung tulungan ang drug trafficker? Mag-isip isip naman sila,” giit ni Sotto.

Magugunita na isa sa huling bilin ni Ordinarion bago siya binitay na sana’y makapagpatuloy ng pag-aaral ang kanyang anak para magkaroon  ng maayos na hanapbuhay sa hinaharap at hindi matulad sa kaniyang sinapit.

Tinukoy ni Sotto na ilan sa nakitang tumulong sa pamilya Ordinario sa Batasan, Quezon City ay ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isinailalim nila sa stress debriefing ang apat na miyembro ng pamilya na tumungo sa China bago at pagkatapos binitay si Ordinario.

“Marami ding pamilya ng OFWs ang nagkaka-problema, bakit hindi iyon ang puntahan ng DSWD?”

Iginiit pa ng mambabatas na hindi dapat tinatawag na OFW ang tatlong binitay sa China dahil hindi naman sila tumungo roon para magtrabaho ng legal kundi para magdala ng ipinagbabawal na droga.

Dahil hindi maituturing na  documented OFWs ang tatlong binitay sa China, naninindigan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hindi nila mabibigyan ng financial assistance ang pamilya ng naturang mga binitay. Linda Bohol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply