Pag-freeze sa assets ng Ampatuans tiniyak

TINIYAK Biyernes, Abril 8, ng Department of Justice na mafe-freeze o mapipigilan ang mga ari-arian at bank account ng mga Ampatuan.

Iyon ay sa harap ng hinala na nagagamit ng mga Ampatuan ang kanilang pera para makapanuhol sa mga testigo sa Maguindanao Massacre case.

Matatandaang binatikos ni Atty. Harry Roque, abogado ng ilan sa mga kaanak ng mga biktima sa karumal- dumal na masaker, ang Anti Money Laundering Council  na pinamumunuan ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco dahil sa kabiguan nito na isailalim sa freeze order ang mga asset ng mga Ampatuan.

Kasabay nito, umapela si De Lima sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang bagong panel of prosecutors sa Maguindanao Massacre case para patunayan ang kanilang kapasidad sa paghawak ng nasabing kaso.

Nanindigan si de Lima na sinsero sa kanilang trabaho ang mga miyembro ng bagong panel at maganda ang ugnayan nila ng mga private lawyer ng mga kaanak ng biktima partikular na kay Atty. Nena Santos, abogado ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu, na nakaalitan ng dating panel. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply