Pagasa: Bahagyang lalamig sa Northern Luzon

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bahagyang lalamig ang temperatura sa Northern Luzon dahil napalitan ng cold front ang umiiral na ridge of the high pressure area.

Makakaranas ng bahagyang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang hilagang bahagi ng Luzon.

Samantala, sa Mindanao naman ay inaasahan ang patuloy na kalat-kalat na pag-ulan na bunsod ng umiiral na easterly wave.

Base sa Pagasa, inaasahan na magiging banayad naman panahon sa Southern Luzon at Visayas dahil sa walang umiiral na sama ng panahon.

Magkagayunman, bahagyang lumalapit sa bansa ang isang mahinang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao, ngunit napakalayo pa nito para makaapekto sa bansa.

Maliit din ang posibilidad na maging ganap na bagyo ito. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply