Pagbabalik ng base militar sa Subic, malabo

MALABONG maibalik ang base militar sa Subic, Zambales.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty.  Edwin Lacierda na nagtataka sila kung paano lumutang ang nasabing espekulasyon dahil hindi nila kailanman ito napag-usapan sa cabinet meeting o sa kahit na anumang pulong sa Malakanyang.

Maging si Pangulong Benigno Aquino III aniya ay itinanggi rin ang lumabas na report.

Binanggit nito na walang napag-uusapan na deployment ng US forces sa Subic noong nakaharap ng Pangulong Aquino sina US Senators Daniel Inouye at Thad Cochran noong Lunes, Abril 25.

Ang tanging napag-usapan lamang aniya ay ang panukala sa US Congress na may kinalaman sa mga beterano ng World War II at mga karanasan ni Inouye sa giyera.

Binigyang diin ni Lacierda na may Visiting Forces Agreement (VFA) namang umiiral at patuloy pa nga itong nire-review dahil sa reklamong dehado rito ang Pilipinas. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply