Pagbabalik ng military bases ng US kinondena

IBINUNYAG ng Makabayan Coalition kahapon, Huwebes, ang “sekretong pag-uusap” upang muling maibalik ang base militar ng Estados Unidos sa Subic, Zambales.

Dahil dito, nanawagan ang Makabayan, na binubuo ng walong progresibong partido sa ilalim ng pamumuno ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, na ilantad ang pag-uusap sa pagitan ng gobyernong Pilipinas at Estados Unidos para maibalik ang base militar sa bansa.

“We will never again allow the travesty of Philippine sovereignty. The Filipino people and Philippine Senate booted out the US bases in 1991 as one of the last vestiges of our colonial relations with America,” ayon sa grupo.

Tinukoy ng Makabayan ang sekretong pag-uusap gayundin ang media blackout sa apat na araw na pagdalaw sa bansa nina US Senators Daniel Inouye at Thad Cochran.

Ang mga ito ay lihim umanong nakipag-usap kina Pangulong Aquino, Senate President Enrile, Foreign Affairs Secretary del Rosario, gayundin sa mga opisyal ng Olongapo city at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) executives.

“We demand full transparency of the talks involving bilateral relations of our country with the US.”

Hinamon din ng koalisyon ang administrasyong Aquino na huwag tratuhin bilang pribadong mamumuhunan ang US para ipagamit ang civilian free port.

“This is not public-private partnership and our diplomatic relations are not measured in dollars and cents. The Filipino people have already proven that we can live, and live better, without the US bases,” giit pa ni Ocampo.

Ngunit itinanggi ng Department of National Defense (DND) na may balak pang bumalik  sa Subic Bay  sa Olongapo ang puwersa ng mga Amerikano.

Ayon kay DND spokesman ret. Col. Eduardo Batac, hindi bumisita ang mga mambabatas ng Estados Unidos upang makipag-usap sa gobyerno ukol sa pagbabalik dalawang higanteng US military bases.

Aminado si Batac na personal na binisita nina Inouye at Cochran si Defense Secretary Voltaire Gazmin, ngunit courtesy call laman umano ito.

Aniya, ang kanilang tinalakay ay kung paano pa matutulungan ang mga nalalabing Filipino beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Si Inouye ang may-akda ng  Veterans Equity Compensation Bill na naglalaan ng $98 milyon para beteranong Pinoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply