Pagbasa ng sakdal sa ika-500 araw ng Maguindanao massacre

TACURONG CITY, Sultan Kudarat — Dumagsa ang mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa lungsod ng Heneral Santos kung saan kasalukuyang nagaganap ang programa para ika-500 araw mula ng mangyari ang masaker.

Sa panayam, sinabi ni Myrna Reblando, vice president ng Justice Now Movement, inumpisahan ang aktibidad sa pamamagitan ng pag-aalay ng misa kaninang 8:00 ng umaga sa pangungunahan ni Father Arnold Abelardo na mula pa sa Maynila.

Ayon kay Reblando, maraming bisita ang inaasahang dadalo sa pangunguna ni Justice Secretary Leila De Lima, Maguindanao Gov. Esmael “Toto”Mangudadatu, Sarangani Gov. Migz Dominguez at marami pang iba na tutungo sa Forest Lake cemetery sa GenSan.

Paliwanag ni Reblando, layunin ng aktibidad na malaman mula sa prosecutors kung seryoso pa sila na tumulong sa pagresolba ng kaso laban sa mga pangunahing akusado.

Nagkataon din ngayong araw, Abril 7, nakatakda ang pagbasa ng sakdal laban sa mga pangunahing suspek sa masaker.

Sinabi ni Justice undersecretary Francisco Baraan na nakatanggap umano sila ng intelligence report kaugnay sa balak na panggugulo sa gagawing arraignment kay dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan.

Sa lungsod ng Tacurong nakiisa rin ang mga kaanak ng mga nasawi sa masaker na kung saan ang mga biktima ay napagkamalang kasama sa convoy ng mga Mangudadatu bagama’t patungo sila ng Cotabato City upang magpagamot sa Cotabato Regional and Medical Center.

Samantala, gananapin naman mamayang 5:00 ng hapon ang candle lighting na pangungunahan ni Tacurong Mayor Lina Montilla kasama ang mga kawani ng City Goverment ng Tacurong at pamilya Lechoncito kung saan kabilang sa mga nasawi. Benjie Caballero

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply