Pagbibitiw ni Merci, bentahe sa Senado

BENTAHE sa Senado ang maagang pagbibitiw ni Ombudsman Merceditas Gutierrez bago simulan ang mahaba at nakapapagod na impeachment trial dahil maibabaling ng Mataas na Kapulungan ang tungkulin nito sa mahahalagang lehislasyon.

Ganito ang reaksiyon ng ilang senador sa pagbibitiw ni Gutierrez partikular si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na nagsabing dapat pang papurihan ang Ombudsman dahil isinantabi nito ang pansariling kapakanan, kaysa sa pangangailangan ng bansa.

Sa ipinalabas na statement, naniniwala si Sen. Teofisto Guingona III na naghawan ng landas ang pagbibitiw ni Gutierrez upang tuluyan nang mahabol ng pamahalaan ang multi-milyong kinulimbat na pondo ng ilang heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nakabuti rin umano sa Senado ang pagbibitiw ni Gutierrez sa paniniwala ni Sen. Manny Villar dahil naitutuon ng Kongreso ang panahon nito sa paghahanap ng kalutasan sa lumalalang presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Cayetano na nagkaroon ng sapat na panahon ang Senado upang makalikha ng kaukulang batas na siyang susugpo sa talamak na katiwalian na itinanim ng nakaraang administrasyon sa sistema ng pamahalaan.

Iminungkahi naman ni Cayetano sa Palasyo na pumili ng magiging kapalit ni Gutierrez na may katapatan sa Saligang Batas, sa mamamayan at walang dapat kinatatakutan upang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan.

Sinabi naman ni Guingona na naghawan ang landas sa paghahabol sa mga dating heneral sa AFP sa pagbibitiw ni Gutierres. “This should now  pave the way for a speedier quest for the truth behind the anomalies in the past administration.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply