Bitay sa isa pang OFW sa China ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ang pagbitay sa isang Pinay na nahaharap sa parusang kamatayan sa China dahil sa kasong drug smuggling.

Ang Pinay na nahatulan ng kamatayan ng China Court ay si Myrna San Pedro, 52-anyos, overseas Filipino worker (OFW) mula sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Ilang araw matapos bitayin sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth ay ipinagpaliban ang pagbitay kay San Pedro.

Si San Pedro ay inakusahan ng pagpupuslit ng bawal na droga sa nasabing bansa noong 2007 at kasalukuyang nakapiit sa Xiamen.

Nakita ang mga iligal na droga kay San Pedro na nakaipit sa mga librong kanyang dala-dala mula sa Peru.

Sa panayam sa asawa nitong si Ernesto, sinabi nito na hindi niya matukoy kung anong libro ang at kung anong droga ang nakuha sa pag-iingat ng kanyang asawa.

Aniya, wala rin silang natanggap na balita kaugnay sa kasong kinakaharap ng kanyang misis.

Ayon pa kay Ernesto, hindi umano niya makausap kahit isa sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa development ng kaso ni Myrna. “Sana matulungan ako at mga anak ko na mapauwi na (si Myrna) para mabuo na pamilya namin,” hiling ni Ernesto.

Ang pamilya San Pedro ay naniniwalang biktima lamang si Myrna ng drug syndicate at anila, inosente ito.

Humihingi rin sila ng tulong sa pamahalaan para sa naghihirap na biktima sa kulungan.

Noong 2007 nang huling maka-chat ng kanyang anak na lalaki na si Emyr ang kanyang asawa, sa pag-uusap na iyon ay nagbilin na mag-ingat sila. Sinabi rin ni Myrna na abala umano ito sa pagtatrabaho bilang domestic helper at nagsa-sideline bilang private tutor. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply