Pagbubukas ng nuclear power plant, pag-aralan muna

KAILANGAN munang pag-aralan anumang plano para sa pabubukas ng Bataan Nuclear Power Plant makaraan ang naganap na nuclear crisis sa Japan.

Ayon kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, dapat umanong ikonsidera ng bansa ang naganap na nuclear crisis sa Japan kahit pa ito’y itinuturing na “highly technical country at very educated” kung pag-uusapan ang nuclear energy.

“Some might argue that the situation in Japan is different, but the bottom line perhaps is that this (nuclear energy) should be given thorough study,” ani Aquino.

Sinabi pa ng Pangulo na may mga mungkahi siyang natatanggap sa ibang sektor na paganahin ang matandang Bataan Nuclear Power Plant sa gitna ng kinakaharap nating power crisis pero nararapat munang bigyan ito ng kaukulang pag-aaral at baka sa huli umano ay pagsisihan natin ito. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply