Pagbulatlat sa libro ng oil companies obligahin na

AYON kay Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, panahon na upang obligahin ng pamahalaan ang mga kompanya ng langis na buksan ang kani-kanilang libro upang masiguro na hindi pinagsasamantalahan ng mga ito ang publiko sa tuwing magtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Para kay Casiño, lumang tugtugin na ang ginagawang pagpapatawag ng Kongreso sa oil companies upang magpaliwanag at pagkatapos ay wala namang konkretong aksyon.

Dapat aniyang obligahin ng pamahalaan ang oil companies na buksan ang libro ng mga ito upang mabusisi ito ng Department of Energy (DOE) nang malaman kung nagsasamantala ang mga ito.

Sa panig naman ni House Assistant Minority leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay, dapat ipaliwanag ng Energy Department kung papaano nila mino-monitor ang araw-araw na presyuhan ng langis at  dapat na alamin mula sa oil companies kung saan at kailan ng mga ito binili ang kanilang stocks.

Sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, matagal nang dapat kinasuhan ng pamahalaan ang oil companies dahil sa pagmamalabis umano ng mga ito sa pagpapataw ng labis-labis na singil sa presyo ng langis.

Iginiit rin ni Colmenares,  matagal na siyang humiling sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa walang basehang pagtataas sa presyo ng langis ng oil companies. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply