Pagbuo muli sa LEDAC iginiit ni Gringo

IGINIIT ni Sen. Gringo Honasan kay Pangulong Noynoy Aquino na muling i-convene ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) para matutukan ang lumalalang krisis sa langis.

Ito ay makaraang magpatupad muli ng panibagong oil price increase ang mga kompanya ng langis na mula piso hanggang P1.50 kadal itro sa diesel, gasoline at kerosene.

Ani Honasan, dapat umanong ilatag ng Malakanyang ang mga plano sa pagtugon sa oil price increase at posibleng kakapusan ng supply nito dahil sa hindi pa rin nareresolbang kaguluhan sa Middle East at North African region.

Kinastigo ni Honasan ang kawalan ng kahandaan ng gobyerno sa nararanasang krisis sa langis kaya umano’y nagiging reaksyonaryo ang pagtugon sa problema. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply