Pagdagsa ng bakasyunista pinaghahandaan na

SINIMULAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pag-iinspeksyon sa mga pantalan bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga bakasyunista na magsisipag-uwi sa kani-kanilang probinsya sa darating na Semana Santa.

Bukod sa mga pantalan ay iinspeksyunin din ang mga bumibyaheng barko kung sila ba ay may mga sapat na gamit sakaling magkaaberya sa karagatan.

Nanawagan naman ang opisyal sa publiko na iwasang sumakay sa mga kolorum na barko na hindi naman awtorisadong maglayag.

Kaugnay nito, nakakumpiska rin ang PCG ng mga matutulis na bagay sa kabila ng paghihigpit ng ahensya.

Nagdagdag naman ng seuguridad ang ilang kumpanya ng barko sa harap ng inaasahang maagang pagdagsa ng mga uuwing pasahero sa lalawigan.

Ilang K-9 units umano ang pinakilos ng Negros Navigation at Super Ferry sa mga biyahe patungong Visayas at Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply