Paggamit ng tricycles sa natl roads di mapigil

HINDI mapipigilan ang mga traysikel na gamitin ang mga national road, lalo na sa mga lalawigan, ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson sa budget consultation  na ginanap Biyernes sa punong tanggapan ng kagawaran.

Hindi umano maaaring ipagbawal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagdaan ng mga traysikel sa arterial roads kung  ito lamang ang madadaanan para tumawid sa kabilang kalsada.

Marami umanong maliliit na negosyante sa kanayunan na ito lang ang kayang paraan ng transportasyon para dalhin ang kanilang  mga produkto tulad ng palay, gulay ,mga pagkain at paninda.

Sinabi ni Singson na isa sa mga paraan para maging ligtas ang mga traysikel maging ang ilang komyuter ay ang paglalagay ng tricycle lane sa national roads.

Nagiging sagabal umano ang mga traysikel sa mabilis na daloy ng mga sasakyan sa highway dahil bukod sa mabagal na ang mga ito ay gumigitna pa imbes na tumabi kahit marami na ang mga parating na motorista.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply