Paghuhugas kamay ng mga senador sa impeachment binatikos

SARILING pagtimbang sa ebidensya at konsensya ang dapat na pairalin ng mga senador sa pagdedesisyon sa isinampang impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Kasabay nito ay nanawagan si Minority Leader Edcel Lagman sa mga senador na magsisilbing hukom sa impeachment trial at huwag magpadala sa opinyon ng publiko kapag sumapit na ang araw ng kanilang paghatol sa Ombudsman.

“Washing one’s hands is a pathetic evasion of a sublime duty.”

Partikular na tinawagan ng pansin ng kongresista si Senate Majority Leader Vicente Sotto, III na tila nagnanais na maging Poncio Pilato at maghuhugas ng kamay dahil sa halip na timbangin ang ebidensya ay ipauubaya sa public opinion ang pagdedesisyon sa impeachment.

“Senators approximate Pontius Pilate by allowing public opinion to influence the outcome of the impeachment trial of Gutierrez. A senator sitting as a judge in the impeachment court must make his own judgment based on his personal appreciation of the evidence and the law irrespective of the temper and whim of public opinion.”

Binigyang diin pa ni Lagman na kung maghahari din lang ang public opinion ay mababalewala aniya ang kapangyarihan ng mga Senador na timbangin ang bigat ng pagkakasala ng isang “impeachable official” bilang senator-judges sa impeachment trial.

“The Senate shall have the sole power to try and decide all cases of impeachment” after the senators have first taken an “oath or affirmation,” ani Lagman.

“Senators cannot share their constitutional authority and responsibility with anyone, not even with the people through the variables of public opinion.”

Naunang sinabi ni Sotto na “public opinion or reaction will play a role on how the issue will be decided.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply